Ito ang naging bwelta ni Presidential spokesman Salvador Panelo sa panawagan ni US Senator Patrick Leahy na bigyan ng patas na paglilitis si Senador Leila de Lima na una nang nakulong dahil sa kaso ng ilegal na droga.
Ayon kay Panelo, sa halip na pakialaman ni Leahy ang usaping panloob ng Pilipinas, mas makabubuti kung tutukan na lamang ang mga problema sa Amerika.
Ayon kay Panelo, pawang non-sense ang mga pinagsasabi ni Leahy at ibinabase sa pahayag ng mga maiingay na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinabulaanan pa ni Panelo ang akusasyon ni Leahy na ibinibida ng administrasyon na mayroong ebidensyang hawak laban kay de Lima.
Paliwanag ni Panelo, ang korte na ang magdedesisyon sa kaso ni de Lima.
Giit ng tagapagsalita, ang kaniyang pahayag lamang ay may nakitang probabale cause ang prosecutor at ang hukom para ituloy ang kaso at mag issue-isyu ng warrant of arrest laban kay de Lima.
Malinaw aniya na nabibigyan ng patas na paglilitis ang senadora.
Bukod sa kaso ni de Lima, pinuna rin ni Leahy ang human rights situation sa bansa.
Ayon kay Panelo, may mga kaso ng human rights violation pero ito ay isolated lamang at tinutugunan na ng pamahalaan.