Sa pagdinig sa Senado, araw ng Huwebes, isiniwalat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na tumawag sa kaniya si Albayalde para hilingin na huwag munang ipatupad ang dismissal order laban sa mga pulis.
Ito ay matapos mahatulang guilty ang mga pulis sa grave misconduct noong 2014 dahil sa kabiguang pag-account ng mga nakumpiskang droga sa anti-drug operation sa Mexico, Pampanga taong 2013.
Paliwanag ni Albayalde, bago siya tumawag kay Aquino, “partially granted” na ang motion for reconsideration.
Tumawag man aniya siya o hindi, walang nagbago sa desisyon ni Aquino.
Si Albayalde ang Pampanga police provincial director nang mangyari ang operasyon ng mga sangkot na pulis sa Pampanga taong 2013.