Clearing operations sa mga sagabal sa lansangan sa Metro Manila, kumpleto na – MMDA

Tiwala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakumpleto ang clearing operations mula sa mga sagabal sa lansangan sa mga lungsod sa Metro Manila.

Sa pulong ng Metro Manila Council, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na naniniwala siyang walang alkalde sa Metro Manila ang masususpinde.

Lahat aniya ng labing-pitong alkalde sa Metro Manila ay umaksyon para sumunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi naman ni Garcia na hihintayin ng ahensya ang official assessment ng Department of Interior and Local Government (DILG) ukol sa clearing operations ng mga lungsod.

Matatandaang natapos ang deadline ng kautusan noong September 29.

Layon ng kautusan ng pangulo na mapagaan ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Read more...