Operasyon ng LRT-1 balik normal na

Nagbalik na sa normal ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), Huwebes ng hapon.

Sa Twitter, inanunsyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na operational na ang biyahe mula Balintawak hanggang Roosevelt station bandang ala una singkwenta ng hapon.

Nagpasalamat naman sa pang-unawa ang LRMC sa mga pasaherong naapektuhan.

Bandang alas-8:30 ng umaga nang mapaigsi ang biyahe ng LRT-1 mula Monumento hanggang Balintawak station at pabalik dahil sa mechanical problem.

Tumagal ng limang oras na naantala ang operasyon ng tren.

Read more...