Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law, ibinunyag ni Angelina Bautista, caterer sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City, siya ang nakuha sa public bidding para mag-suplay ng pagkain sa mga preso.
Base aniya sa bidding, nasa P39 ang halaga ng tatlong pagkain kada araw ng bawat preso.
Kasunod nito, kinuwestiyon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson kung saan napupunta ang balance kung P39 lamang ang binabayaran sa caterer dahil nakasaad na P70 ang halaga nito sa 2019 national budget.
Sinabi pa ni Bautista na nagkakahalaga ng P21 milyon ang kaniyang catering contract sa CIW sa loob ng anim na buwan noong 2018.
Isiniwalat pa nito na kinailangan niyang magbayad ng P50,000 kay Bureau of Corrections (BuCor) legal division chief Fredric Santos para sa notaryo ng mga dokumento sa public bidding.
Dumipensa naman si Santos at sinabing hindi pinuwersa ang mga caterer na magbayad sa kaniya para sa mga dokumento.