1 patay, 2 sugatan sa aksidente sa Isabela

Patay ang isang tricycle driver habang sugatan ang dalawa pa sa aksidente na naganap sa Reina Mercedes, Isabela.

Nakabangaan ng tricycle ang isang Toyota Vios sa national road, Huwebes (Oct. 3) ng madaling araw.

Dead on the spot ang driver ng tricycle na si Jonel Parado habang nagtamo ng matinding pinsala ang mga sakay nito na sina Marivic Parado at Juan Parado.

Naganap ang aksidente, alas 3:00 ng madaling araw sa Barangay Tallungan.

Nag-U turn ang kotse na minamaneho ni Kert Ariola dahilan para makabangaan nito ang tricycle.

Hindi naman nasaktan si Ariola at kuso itong sumuko sa mga otoridad.

Nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at double serious physical injuries.

Read more...