8.5 kilos ng pork products mula sa Luzon hinarang sa Bacolod Airport

Higit sa walong kilo ng pork products ang nasabat ng mga tauhan ng Provincial Government of Negros Occidental sa Bacolod-Silay Airport.

Ang mga produkto ay naharang ng binuong task force ng pamahalaang panlalawigan laban sa pagkalat ng African swine fever (ASF).

Bukod sa 8.5 kilos ng pork, kasama sa shipment ang may 422 na kilo ng beef, chicken, lamb meat at cheese products.

Ang nasabing produkto ay agad na pinabalik sa pinanggalingan nito.

Ang probinsya ng Negros Occidental ay nagpapatupad ng 90-day temporary ban sa mga pork products na nagmumula sa Luzon.

Read more...