Naging matagumpay ang paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea.
Ayon sa Pyongyang, tagumpay ang ginawa nilang test-fire ng bagong uri ng submarine-launched ballistic missile (SLBM).
Sa pahayag ng NoKor sa state news agency na Korean Central News Agency (KCNA), layon ng paglulunsad ng missile na pigilan ang external threats at palakasin ang kanilang self-defense.
Ayon sa Pyongyang ang bagong uri ng SLBM ay tinawag nilang Pukguksong-3.
Tiniyak naman ng KCNA na walang epekto sa seguridad ng mga katabing bansa ang pinakawalang missile.
READ NEXT
Paglilitis sa sex abuse case na kinakaharap ni R&B Singer R Kelly itinakda ng korte sa susunod na taon
MOST READ
LATEST STORIES