Ito ang sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan at aniya ang naturang halaga ay sobra sa nakulektang taripa mula sa mga imported na bigas.
Banggit ng senador, sa budget hearing ng Department of Finance (DOF) naihayag na ngayon taon, P10.7 billion na ang rice tarrification collection ngayon taon.
Ayon kay Pangilinan, maari nang ipangtulong ang sobra sa koleksyon sa mga magsasaka nang hindi na kailangan pang amyendahan ang Rice Tarrification Law.
Suportado naman ni Sen. Cynthia Villar, ang namumuno sa Committee on Agriculture, ang panukala ni Pangilinan.
Hirap na hirap sa ngayon ang mga libo libong magsasaka sa bansa dahil sa pagbaha ng mga imported rice sa merkado na nagpababa naman sa halaga ng palay.