Ayon kay Garbin, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin maipaliwanag ng PNP kung saan napunta ang P35 million bounty para sa mga impormante sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.
Duda ang mambabatas na posibleng na-ninja cop ang reward dahil sinasabing matagal nang kalakaran ng mga pulis na paghatian ang bounty cash bilang incentive bonus.
Paliwanag ni Garbin, ang reward money sa anumang kaso ay para sa mga informants lamang at hindi para sa mga pulis na nag-i-imbestiga at tumutugis sa mga kriminal.
Dahil dito, ihahain muli ni Garbin ang panukala para sa “Community Informant Reward Program” para mai-update ang PD1731 at maiwasan na maibulsa lamang ito ng mga otoridad.
Nauna naman nang naghain ng House Resolution 384 si House Minority Leader Benny Abante para imbestigahan ng Kamara kung saan o kanino naibigay ang bounty o reward para sa ikareresolba ng kaso ng pagpaslang kay Batocabe.