BFP bumuo ng team na mag-iimbestiga sa sunog sa Star City

Bumuo ng team ng Bureau of Fire Protection (BFP) na tututok sa imbestigasyon sa sunog na naganap sa Star City.

Ang binuong investigation team ng BFP-NCR ay nakatakdang magsagawa bg inspeksyon sa Star City ngayong araw.

Ayon kay Pasay Fire Marshal Superintendent Paul Pili, 90 percent ng theme park ang natupok.

Kabilang sa mga popular na atraksyon na natupok ang Gabi ng Lagim, Dungeon of Terror, Bump Car Smash, at Snow World.

Sa kabuuan ay 25 rides at attractions ng theme park ang naapektuhan.

Read more...