Muling naglunsad ang North Korea ng ballistic missile ayon sa South Korea.
Ito ay ilang oras lamang matapos ianunsyo ng Pyongyang na ipagpapatuloy na sa susunod na linggo ang nuclear talks sa US.
Ayon sa South Korea, posibleng pinakawalan ang missile mula sa isang submarine malapit sa port of Wonsan.
May layong 450 kilometro ang missile at taas na 910 kilometro bago bumagsak sa Sea of Japan.
Umani ng protesta ang missile launch.
Ayon kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe, lumabag ang North Korea sa resolusyon ng United Nations Council na nagbabawal na gumamit ang bansa ng ballistic missile technology.
Nanawagan na rin si US Secretary of State Mike Pompeo sa Pyongyang na huwag mang-inis at sumunod sa UN Council resolution.
Ang missile launch ng North Korea araw ng Miyerkules ay pang-11 na ngayong taon.