P680,000 halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa Taguig

Timbog ang isang 31-anyos na lalaki sa buy-bust operation sa Upper Bicutan, Taguig.

Ayon sa Taguig Police, nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa pagbebenta ng iligal na droga ng suspek.

Matapos maberipika ang tip ay agad silang nagkasa ng buy-bust operation laban dito.

Kumagat sa operasyon ang lalaki at nabilhan ng poseur buyer ng P340,000 halaga ng shabu.

Agad na inaresto ang suspek at nakuhaan ng dalawang plastic sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P680,000.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...