CJ Perez at Robert Bolick naglalaban sa Rookie of the Year award

Tristan Tamayo, INQUIRER.net

Naglalaban ang mga bagitong players sa PBA na sina CJ Perez at Robert Bolick para sa parangal na Top Rookie.

Parehong nagpakitang gilas sina Perez at Bolick sa pagsabak ng Pilipinas sa FIBA World Cup bilang teammates pero pagbalik sa PBA ay magkatunggali na sila sa naturang award.

Sa laban ng koponan ng dalawa ay nanaig si Bolick sa ginawa nitong 16 points kung saan tinalo ng Columbian ang NorthPort sa score na 114-108.

Gumawa naman si Perez ng 16 points, 11 rebounds at anim na assists.

Dahil sa mahigpit na labanan ng dalawa ay inaabangan kung sino ang itatanghal na pangunahing rookie ng PBA Governors’ Cup.

 

Read more...