3 anyos na bata sa Bicol kumpirmadong patay sa meningococcemia

RITM photo

Isang tatlong taong bata sa Bicol ang nasawi sa sakit na meningococcemia.

Samantala, isa pang bata na edad 1 anyos ang ginagamot sa ospital dahil sa nagpakita rin ng sintomas ng naturang sakit.

Kinumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na sa isang araw lamang ay namatay ang bata.

Nagkaroon ito ng mga rahes at ang nakuhang tubig sa kanyang likuran ay lumabas na bacterial meningitis.

Dahil nakakahawa ang meningococcemia, binabantayan ang mga nakasalamuha ng nasawing bata.

Habang ang batang nasa ospital pa ay naagapan matapos itong mag kombulsyon.

Samantala, mayroong dalawang biktima naman ng diptheria sa lalawigan.

Kumpirmadong namatay ang mga nagkasakit ng diptheria na ayon sa mga eksperto ay naagapan sana kung nabakunahan ang pasyente.

 

Read more...