Peralta: “I deserved to be Chief Justice”

Naniniwala si Supreme Court Associate Justice Diosdado Peralta na ‘deserving’ siya na maging susunod na Chief Justice.

Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Peralta sa harap ng Judicial Bar Council araw ng Miyerkules ang kagustuhang makuha ang pinakamataas na posisyon sa hudikatura.

“If I remember what I have experienced since I started working, mahirap eh. I think I deserve to be chief justice because I worked very hard all these years,” ani Peralta.

Ayon sa mahistrado, bagaman hindi siya topnotcher at nanguna sa akademya, naging komprehensibo naman ang kanyang karanasan matapos magtrabaho bilang public prosecutor, judge, associate justice ng Sandiganbayan, presiding justice, associate justice ng SC, lecturer at bilang chairman ng iba’t ibang komite.

“I’m not a topnotcher, I’m not an honor student, because that’s what they say hindi naman daw ako topnotcher, hindi naman ako honor… But I think, I was able to compensate with the work that I had as a public prosecutor, as a judge, as an associate justice of the Sandiganbayan, as a presiding justice, associate justice of the Supreme Court, as a lecturer and chairman of several committees, I think they are more than enough to compensate with what they say that I do not deserve [to become chief justice],” dagdag ng mahistrado.

Humingi naman ng paumanhin sa JBC ang mahistrado dahil sa pagiging emosyonal at iginiit na hindi siya arogante.

Posible kasi anyang ang dedikasyon niya sa trabaho ay nakikita ng iba bilang pagka-arogante.

Madalas umanong sinasabi ni Peralta sa mga humihingi ng iligal na pabor na huwag makipag-usap sa kanya.

Si Peralta ang most senior sa mga aplikante sa pagka-Chief Justice matapos maitalaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa SC taong 2009.

Magugunitang sinabi noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nirerespeto niya ang seniority sa Supreme Court kaya’t pinili si dating Chief Justice Teresita Leonardo de Castro para palitan si Maria Lourdes Sereno.

 

Read more...