M3.4 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-2:40 Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 235 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim lamang ang pagyanig na dalawang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Dahil malayo sa kalupaan, hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...