Maja Salvador muling sinorpresa ng boyfriend sa kanyang kaarawan

Maja Salvador IG

Hindi pa pala tapos ang sorpresang natanggap ng aktres na si Maja Salvador mula sa kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Maja ang larawan ukol sa isa pang sorpresang birthday gift ng kanyang kasintahan.

Ang aktres ay binigyan ng simple perong masayang party ni Nuñez at ikinatuwa ito ng dalaga.

Kamakailan ay kinumpirma ni Maja ang pagbabalikan nila ng dating boyfriend.

Umabot ng siyam na taon na naghiwalay ang dalawa pero nagkabalikan ngayong taon.

Aminado ang aktres na makalipas ang limang taon ay nakikita niya ang sarili na misis na ni Rambo.

Unang sinorpresa ng kanyang boyfriend si Maja sa kanilang biyahe sa Dubai noong nakaraang linggo.

 

Read more...