Cable cars planong itayo sa La Union – Baguio

Baguio City PIO photo

Posibleng hindi na kailanganin pang pumunta ng mga Filipino sa Hong Kong para makasakay sa cable cars.

Ito ay matapos ianunsyo ng Baguio City local government na pinag-aaralan ngayon ang panukalang pagbuo ng cable car system sa kanilang lungsod.

Layon nitong masolusyonan ang problema sa trapiko ng summer capital.

Ayon sa Baguio City Public Information Office, nag-alok si Transportation Secretary Arthur Tugade na pumasok ang lokal na pamahalaan sa isang memorandum of agreement para sa cable car system mula Pugo, La Union hanggang sa Baguio.

Inutusan na ni Tugade si Transportation Undersecretary Mark Richmund De Leon na pabilisin ang kasunduan para sa proyekto.

Magbibigay ang DOTr ng conceptual designs ng proyekto para pag-aralan muna ng Baguio bago lagdaan ang kasunduan.

Samantala, handa rin umano ang DOTr sakaling naisin ng lungsod ang pagbuo sa isang monorail project.

Bukod sa Baguio, target ng DOTr ang pagtatayo ng cable car system sa Pasig River.

 

Read more...