Hakbang ito ng bansa kasabay ng pagkasela ng Estado Unidos sa visa ni Castro.
Ayon kay Justice spokesperson Markk Perete, sa hiling ng Department of Justice (DOJ) ay kinansela ng US ang visa na ibinigay nito kay Castro.
Nakikipag-ugnayan na anya ang Bureau of Immigration sa mga counterparts nito sa Amerika kaugnay ng deportation o pagbalik sa bansa ng dating kapitana.
Nabatid na mula Thailand, kung saan ito unang naiulat na pumunta, ay dumaan si Castro sa Taiwan saka pumasok ng US.
Si Castro ay sinasabing may kaugnayan sa mga “ninja cops” sa drug recycling.
May kinakaharap itong tatlong kaso sa bansa na may kaugnayan sa droga at paglabag sa Bouncing Check Law.