Panukalang pagpapaliban ng 2020 Brgy. at SK elections pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

File photo

Aprubado na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukala na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakdang gawin sana sa susunod na taon.

Sa viva voce voting lumusot ang House Bill 4933.

Sa ipinasang panukala, inamyendahan ng kamara ang una nitong bersyon na sa ikalawang lunes ng Mayo 2023 ang eleksyon.

Ginaya nito ang bersyon ng Senado na gawin ang halalang pambarangay sa December 5, 2022.

Nauna rito, ang pondo na P5 billion para sa barangay at SK elections sa susunod na taon ay inilipat ng Kamara at inilagay sa pondo upang ipambili ng bigas.

 

Read more...