Umarangkada na ang official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia kung saan nakipag-kita ito kay Prime Minister Dmitry Medvedev araw ng Miyerkules.
Ipinarating ng pangulo ang kanyang kagalakan na muli silang nagkita ng Russian prime minister.
Nagpasalamat din ito sa mainit na pagtanggap at hospitality sa delegasyon ng Pilipinas.
Sinabi ni Duterte na noong unang pagbisita niya sa Russia noong 2017 ay matagumpay ang bilateral cooperation ng dalawang bansa kabilang sa defense at security.
“Your Excellency, I am pleased to meet you again. Thank you for the warm welcome and hospitality extended to me and my delegation. In 2017 during my first visit to Russia, we successfully set the foundation for bilateral cooperation. Since then, we have seen the mark of our progress in our engagement including such strategic areas as defense and security,” ani Duterte.
Binanggit pa ni Duterte ang port call o pagdaong ng BRP Tarlac ng Philippine Navy sa Vladivostok noong 2018 na anyay patunay ng kooperasyon ng dalawang bansa.
Ayon sa pangulo, dapat mapanatili ang momentum ng magandang ugnayan ng Pilipinas at Russia at kumpyansa siyang mangayayari ito.
Samantala, tinanggap ni Medvedev si Duterte sa gusali na anyay minsan ay tinatawag na “White House” pero hindi umano ito kagaya ng “White House” ng ibang bansa.
“I’m very glad to welcome you again in Moscow, in this building. We call this building sometimes White House but this is not the same White House as in that other country,” pahayag ng Russian PM.
Tiniyak ni Medvedev na interesado ang Russia na matupad ang iba’t ibang proyekto sa Pilipinas sa larangan ng transportasyon, enerhiya at agrikultura.