M4.5 na lindol tumama sa Mindoro Occidental

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Mindoro Occidental alas 9:53 Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa 14 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Looc.

Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 49 kilometro.

Naitala naman ang Intensity 1 sa Tagaytay City.

Walang inaasahang aftershocks at pinsala sa ari-arian bunsod ng lindol.

 

Read more...