Sa pagdinig ng Senado kahapon kaugnay sa isyu ng “ninja cops”, sinabi ni Gordon na iba ang sinabi ni Aquino sa pagdinig kumpara sa nauna nitong pahayag.
Sinabi ni Gordon na kaharap nila ni Sen. Franklin Drilon si Aquino nang sabihin nito na tinawagan siya ni PNP Chief Oscar Albayalde para sabihin na huwag nitohg pirmahan ang dismissal order sa ilang mga pulis na dating tauhan nito sa Pampanga.
Pero sa kanyang pagharap sa Senado kahapon ay sinabi ni Aquino na humingi lamang ng update sa kaso si Albayalde.
Nangyari ang nasabing usapan noong si Aquino pa ang pinuno ng Police Regional Office 3 samantalang pinuno naman ng Metro Manila Police si Albayalde.
Sinabi rin ni Gordon na pati si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong ay dismayado sa paglambot ng pahayag ni Aquino.