Malakas na ulan asahan sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan

Asahan na patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang kalapit-lugar sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang alas dos trenta y kwatro ng hapon, iiral ang heavy to intense rainshowers na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecja, Zambales, Pampanga at Bulacan.

Maliban dito, apektado rin ng masamang panahon ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon at Bataan.

Sinabi ng weather bureau na iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Pinayuhan naman ang mga residente sa lugar na maging alerto sa pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...