Mga estudyanteng nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3 umabot na sa mahigit 100,000

Mahigit 100,000 mag-aaral na ang nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3 para sa mga estudyante.

Sa datos ng Department of Transportation (DOTr), umabot na sa 106,455 na estudyante ang nakinabang sa libreng sakay.

Ang nasabing bilang ay mula noong umpisahan ang libreng sakay sa mga mag-aaral noong July 1 o tatlong buwan na ang nakararaan.

Ang libreng sakay sa mga estudyante ay araw-araw, Lunes hanggang Biyernes mula alas 5:00 hanggang alas 6:30 ng umaga at alas 3:00 hanggang alas 4:30 ng hapon.

Read more...