Biyahe ng MRT-3 nakaranas ng aberya dahil sa problema sa power supply

Nakaranas din ng aberya sa biyahe Metro Rail Transit – 3 o MRT-3.

Ayon sa abiso ng DOTr-MRT 3, alas 10:17 ng umaga ng Martes (Oct. 2) nagkaroon ng problema sa power supply sa Ayala station hanggang sa Taft Avenue Station.

Agad umanong naitawag sa power personnel ng MRT-3 ang problema para maisaayos.

Alas 10:34 ng umaga kinailangang ilikas ang mga pasahero ng tren na nasa pagitan ng Magallanes at Ayala northbound.

Alas 10:35 ng umaga naman nang maibalik ang suplay ng kuryente.

Patuloy pang inaalam kung ano ang dahilan ng naranasang problema

Humingi din ng paumanhin sa nangyari ang MRT-3.

Read more...