Biyahe ng LRT-2 nagka-aberya

Nakaranas ng aberya sa biyahe ng LRT line 2.

Ayon sa Light rail Transit Authority (LRTA), nagkaroon ng technical problem at pansamantalang natigil ang operasyon dakong alas 9:49 ng umaga ng Miyerkules (Oct. 2).

Hindi naman na binanggit ng LRTA kung anong partikular na problema ang naranasan.

Alas 10:19 ng umaga nang mag-tweet ang LRT-2 na normal na ang operasyon nito.

Read more...