Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 800 kilometro Silangan ng Legazpi City.
Sinabi ni weather specialist Meno Mendoza na mababaw ang tyansa na maging bagong bagyo ang LPA.
Malayo pa rin sa kalupaan ang LPA kaya’t wala itong epekto saanmang bahagi ng bansa.
Ngayong araw, makararanas pa rin ng maalinsangan at maaliwalas na panahon ang buong bansa maliban na lamang sa mga pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na dulot ng localized thunderstorms.
Wala nang nakataas na gale warning saan mang baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas na makapaglalayag ang mga mangingisda.
MOST READ
LATEST STORIES