2 arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

Timbog ang dalawang lalaki sa buy-bust operation sa Sinagtala cor. IBP Road, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Allan Torres at John de Jesus.

Kumagat sa pakikipagtransaksyon ng poseur buyer na pulis ang dalawa.

Nakuhaan ang mga ito ng tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap sina Torres at de Jesus sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...