Ayon kay Perasol, iaapela niya sa UAAP ang parusang tatlong larong suspensyon.
Ipinataw ng UAAP ang parusa dahil sa “continuous flagrant acts of aggression” ni Perasol na naging dahilan kaya ito na-eject sa laro kung saan nanalo ang Ateneo.
Ang ejection ni Perasol ay may katumbas na one-game suspension pero dinagdagan ito ng dalawang larong suspensyon ni UAAP commissioner Jensen Ilagan.
Ito ay dahil sa aksyon ng UP coach sa referee na si Jaime Rivano kahit ilang beses na itong inawat ng kanyang mga players.
Habang nakaapela, suspendido na si Perasol sa laban ng UP kontra Far Eastern University (FEU) sa October 6, University of the East (UE) sa October 12 at University of Santo Tomas (UST) sa October 16.