Top 5 most wanted personality ng Caloocan arestado

Timbog ang top 5 most wanted personality ng Caloocan City sa one-time-big-time operation ng Northern Police District (NPD).

Ang akusadong si Ardel Bien Bakal alyas na ‘Arbi’ ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC).

Si Bakal ay may kasong direct assault with murder.

Isang impormante ang una nang nagpabatid sa Caloocan Police ukol sa lugar na nilipatan ni Bakal.

Dahil dito, isinailalim sa surveillance si Bakal at nakumpirma nga ang presensya nito sa Brgy. 33.

 

 

 

Read more...