Higit 60 OFWs mula Kuwait balik-bansa

Nakauwi na ng Pilipinas ang mahigit 60 overseas Filipino worker (OFW) mula sa Kuwait.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang panibagong batch ng kabuuang 63 na OFW ang ikaanim na batch ng Embassy Assisted Repatriation Program (EARP) ngayong 2019.

Ayon kay Embassy Chargé d’Affaires at Consul General Mohd. Noordin Pendosina Lomondot, sinamahan ang mga OFW mula sa embahada patungong Kuwait International Airport.

Binigyan din aniya ng 100 US dollars na tulong-pinansiyal ang bawat EARP beneficiary.

Hinikayat din ni Lomondot ang mga OFW na patuloy na palawikin ang kakayahan sa pamamagitan ng pag-enroll sa TESDA at iba pang training institution.

Muli namang hinikaya ng embahada ang mga Filipino sa Kuwait na mayroong expired visa na sumailalim sa EARP.

Umabot na sa 327 OFWs ang napabalik ng Pilipinas.

Read more...