PNP, apektado ng isyu ukol sa ‘ninja cops’ ayon kay Albayalde

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na apektado ang kanilang hanay ng isyu ukol sa ‘ninja cops.’

Sa panayam ng media matapos ang pagdinig sa Senado, sinabi ni Albayalde na apektado ang PNP ngunit hindi naman demoralized.

Iprinisinta na aniya ang lahat ng proyekto, accomplishment at maging ang listahan ng sinasabing ‘ninja cops.’

Dahil dito, hindi aniya tumindi ang ‘ninja cops’ sa kaniyang panahon, maging sa panahon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Wala pa rin aniya siyang ideya kung bakit nagbabato ng mga alegasyon si dating CIDG director at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

 

Read more...