LPA sa loob ng PAR binabantayan ng Pagasa

Isang low pressure area (LPA) ang nabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, huling namataan ang LPA sa layong 1,025 kilometers Silangang bahagi ng Legazpi City, Albay bandang 3:00 ng hapon.

Aniya, hindi ito nakaaapekto sa anumang bahagi ng bansa.

Dahil dito, patuloy na makararanas ng maaliwalas na panahon ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Posible pa rin naman aniya na magkaroon ng thunderstorm.

 

Read more...