Sa impormasyon ng Phivolcs, unang tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa 149 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 4:48 ng hapon.
May lalim ang lindol na 26 kilometers at tectonic ang origin.
Samantala, yumanig naman ang kaparehong lakas ng lindol sa 131 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 6:09 ng gabi.
61 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Kapwa naman walang napaulat na pinsala sa dalawang lindol.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES