Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, araw ng Martes, inihayag ni Magalong na mayroong “selective cleansing” sa PNP dahil sa hindi pag-dismiss sa 13 pulis-Pampanga na sangkot umno sa pag-recycle ng droga.
Ayon kay Albayalde, dapat ginamit ni Magalong ang kaniyang “power” at “authority” bilang CIDG director para maresolba ang isyu.
Matapos ang anim na taon, lumutang aniya muli ang kontrobersya at hindi aniya niya alam kung anong gusto palabasin o patunayan ni Magalong.
Gayunman, sinabi ng PNP chief na mayroon silang mga dokumento na magpapatunay na seryoso ang kanilang kampanya kontra sa ilegal na droga at police scalawags.