Guevarra, itinalagang OIC ng bansa habang nasa Russia si Pangulong Duterte

Itinalaga si Justice Secretary Menardo Guevarra bilang officer-in-charge habang nasa labas ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng official visit ng pangulo sa Moscow at Sochi, Russia mula October 1 hanggang 6, 2019.

Sa inilabas na special order no. 1061, inatasan si Guevarra na pangasiwaan ang bansa habang wala ang pangulo.

Pirmado ang special order ng Punong Ehekutibo at ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sa official visit ng pangulo, nakatakdang magkaroon ng bilateral meeting sina Duterte at Russian President Vladimir Putin.

Lalagdaan din ang mga kasunduan ng dalawang na may kaugnayan sa kooperasyon sa kultura, kalusugan at basic research.

Read more...