Kinilala ang suspek na si Rachel Cortez Daguman, 44 anyos na kilala rin bilang Alyas Kumander Jasmin, alyas Yude at alyas Raya na nadakip sa isang palengke bandang alas-4:45 lunes ng hapon.
Si Daguman na tumatayong secretary ng Front Committee 51 ng rebeldeng grupo ay misis ni Kumander Benjie Pahak, isang mataas na lider ng NPA na napatay noong 2005.
Si Daguman ay mayroong warrant of arrest sa kasong robbery with homicide mula sa korte sa Digos City
Nakatakda siyang dalhin sa North Cotabato para isailalim sa paglilitis kaugnay ng kinakaharap na kaso.
MOST READ
LATEST STORIES