Pangalan ng mga “ninja cops” ipinasasapubliko sa senado ni Albayalde

Hiniling ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde sa senado na ilantad sa publiko ang mga tinaguriang “ninja cops”.

Ang mga “nija cops” ay una nang pinangalanan ni Baguio City Mayor at dating PNP – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Benjamin Magalong sa isang executive session sa senado.

Sa kaniyang pagharap sa senate hearing, sinabi ni Albayalde na mainam kung isapubliko ang mga pangalan.

Ito ay para maging patas sa panig ng PNP na nababato ng mga alegasyon hinggil sa drug recycling.

“In the interest of fair play and impartiality, I am appealing to your honor’s high sense of justice to make public the record of the executive session that was requested during the previous joint committee hearing,” ayon kay Albayalde.

Read more...