PNP maari nang tugisin ang 19 na heinous crime convicts na nakalaya dahil sa GCTA law

Radyo Inquirer File Photo | Richard Garcia
Maari na muling magsagawa ng manhunt operation ang Philippine National Police (PNP) laban sa heinous crime convicts na nakalaya nang dahil sa good conduct time allowance (GCTA) at hindi pa sumusuko.

Sa datos ng Department of Justice (DOJ), 19 pa na heinous crime convicts na nakinabang sa GCTA ang hindi pa hawak ng mga otoridad.

Ang pangalan ng 19 ay isinumite na ng DOJ sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Katuwang ang Bureau of Corrections (BuCor), ay muling sinuri ng DOH ang listahan ng mahigit 2,000 inmates na nakalaya dahil sa GCTA.

Ito ay matapos matuklasan na nakasama sa listahan ng BuCor ang ilang resong napawalang-sala at napagkalooban ng conditional pardon.

Nagpapatuloy pa naman ang pagsusuri sa listahan at ayon kay Guevarra, magsusumite sila ng dagdag pang listahan ng mga pangalan ‘by batch’ sa DILG.

Read more...