Ilang lalawigan kalapit ng Metro Manila uulanin sa susunod na mga oras – PAGASA

Makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang ilang mga lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 11:20 ng umaga, moderate to heavy na pag-ulan na may pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa Bataan, Pampanga, Cavite, Laguna at Rizal.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha at landslides.

Pinag-aantabay din ang publiko sa mga susunod na abiso na ilalabas ng weather bureau.

Read more...