Unang itinakda ng Supreme Court ang oral arguments Martes, October 1 hinggil sa probisyon ng Family Code na nagsasabing “psychological incapacity” ang maaring magamit na ground para mapawalang-bisa ang kasal ng mag-asawa.
Sa abiso ng Supreme court – Public Information Office, nagdesisyon ang en banc na hindi na magsagawa ng oral arguments sa usapin.
Ito ay dahil sa mga sensitibo at personal na impormasyon na maaring matalakay at maari pang malantad sa publiko kung gagawin ang oral arguments.
Sa halip sinabi ng Supreme Court na pagsusumitihin na lang ng dagdag na memoranda ang mga partido sa kaso.
Dahil sensitibo ang isyu ay hindi rin inaanunsyo ng SC ang titulo ng kaso at hindi rin inilalabas sa publiko ang mga kopya ng petisyon at pleadings.