Motorcycle rider patay matapos mabangga sa isang truck sa Danao City sa Cebu

Dead on the spot ang isang motorcycle rider matapos bumanga sa isang trailer truck sa national highway ng Barangay Poblacion, Danao City, Cebu.

Nangyari ang aksidente alas 6:00 ng umaga ng Martes, October 1.

Kinilala ng Danao City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ang biktima na si Jason Nisnisan.

Wala nang buhay si Nisnisan nang dumating ang mga tauhan ng CDRRMO sa lugar.

Minamaneho ni Nisnisan ang kaniyang motorsiklo nang sakupin nito ang kabilang lane sa palikong bahagi ng kalsada kaya nakabanggaan ang parating na truck.

Agad namang sumuko ang driver ng truck matapos ang aksidente.

Read more...