Naitala ang magnitude 3.6 na lindol sa Talacogon, Agusan Del Sur alas 7:55 ng umaga ng Martes, Oct. 1.
Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay sa 8 kilometers northeast ng Talacogon.
May lalim na 71 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Samantala, alas 8:02 naman ng umaga nang tumama ang magnitude 3.0 na lindol sa Botolan, Zambales.
Ang epicenter ng lindol ay naitala naman ng Phivolcs sa 8 kilometers northeast ng Botolan.
Ang dalawang lindol ay hindi inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES