Water level ng Angat dam nabawasan pa

Nabawasan pa ang water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw ng Martes, Oct. 1 ay 190.55 meters ang antas ng tubig ng Angat.

Ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam ay kapwa din nabawasan na nasa 100.90 meters at 78.34 meters.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dams.

Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa San Roque at Pantabangan.

Read more...