Rep. Rida Robes pinangalanang ambassador ng Korean NGO’s Internet Peace Movement

Bilang mambabatas, sinisiguro ni Representative Florida “Rida” Robes na ang mga panukala na kanyang ihahain sa Kongreso ay napapanahon. Tinutugunan niya ang mga developing issues sa layuning maging kapaki-pakinabang at naaayon para sa kapakinabangan ng publiko.

Nagkataon din na si Robes ang isa sa most passionate advocates ng mga panukalang batas na magpapaunlad sa mental health programs sa bansa.

Sa kanyang privilege speech nitong Agosto, binigyang-diin ni Robes ang pangangailangan para bigyan ng konsiderasyon ang educational system sa bansa kasama na ang malusog na pag-iisip ng mga estudyante.

Ipinunto ni Robes sa kanyang privilege speech ang tila pagtaas ng kaso ng depression na tumatama ngayon sa mga Kabataan at ito ay mas pinalala pa ng social media platforms.

Aniya, ang social media platforms ay mistulang naging daan para lumala ang kondisyon ng mga Kabataan na nakararanas ng depresyon at iba pang mental health issues dahil sa nangyayaring “bullying” gamit ang makabagong tecnolohiya na kung tawagin ay “cyberbullying”.

Dahil dito ay hinimok ni Robes ang Commission on Higher Education (CHED) at ang Department of Education (DepEd) na maging maalam sa posibleng mas malalang epekto ng social media.

Sa gita ng aniya’y chaotic online environment na dapat sagupain ng publiko, nais ni Robes — ang kinatawan ng lone district ng San Jose Del Monte sa Bulacan — na palaganapin ang positive Internet culture. “With everything going digital, we’re all spending more time interacting with others online. This is a welcome development because this means we’re keeping up with the rest of the world,” saad ng Kongresista.

Sabi pa ni Robes. “However, we also have to deal with the negative effects of being online. Cyberbullying and other hostile or criminal acts online can be done in an instant.”

Kadalsan sabi ni Robes na tila inaasahan na ng mga tao na makararanas sila ng online attacks kapag sila ay nagbabahagi ng kanilang pananaw sa mga isyu “online”

Kanyang ring ipinunto: “We know we can’t please everyone, but it seems that going online often draws out the most negative or destructive people. This can’t go on. This prevents us from fully enjoying the benefits of going digital.”

Sa hangarin na i-detoxify online spaces, si Robes ay itinalaga kamakailan bilang ambassador of the Sunfull Internet Peace Movement. Inumposaha ang naturang adbokasiya ng Sunfull Foundation, a non-governmental organization na nakabase sa Korea na ang pangunahing layunin ay i-inspire ang publiko na magpost ng “messages of encouragement and condolence to those targeted by malicious online attacks and the victims of tragic world events.”

Ang Sunfull Internet Peace Movement ay inendorso rin ni H.E. Han Dong Man, ambassador ng Republic of Korea to the Philippines.

“I am honored to be an ambassador for Internet peace. I want to work even harder to come up with actionable strategies that will pave the way for more constructive and nurturing experiences online among Filipinos. We have to put a stop to cyberbullying, hate speech, and human rights violations on the Internet.” Ani Robes.

 

Read more...