M3.1 na lindol naitala sa Davao Occidental, Iloilo, Cagayan

Naitala ang magnitude 3.1 na lindol sa magkakahiwalay na lugar sa bansa Martes ng madaling araw.

Sa impormasyon ng Phivolcs, alas-2:24 nang tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa 162 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani, Davao Occidental.

May lalim ang pagyanig na 10 kilometro.

Alas-2:30 naman, kapareho ring lakas ng lindol ang tumama sa 14 kilometro Timog-Silangan ng Banate, Iloilo.

May lalim naman ang pagyanig na 13 kilometro.

Habang alas-2:41 nang yumanig din ang lindol sa layong 43 kilometro Timog-Kanluran ng Calayan, Cagayan.

May lalim ang pagyanig na 11 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Hindi rin inaasahan ang mga aftershocks.

 

Read more...