Balik-Gilas ang premyadong coach na si Tim Cone at napuno ng alaala ang unang practice ng koponan araw ng Lunes sa Meralco Gym.
Matatandaan na 21 taon na ang nakalipas nang huling pamunuan ni Cone ang national basketball team.
Ayon kay Cone, bumalik ang maraming alaala noong 1998 nang una siyang maging coach ng Pilipinas.
Sa naturang taon ay nasungkit ng Philippine Centennial team ang bronze medal sa Asian Games sa Bangkok, Thailand.
Samantala, muli namang nagkasama sina dating Gilas players Jayson Castro, LA Tenorio at dating team captain Jimmy Alapag, ngayon ay bilang miyembro ng coaching staff ng team.
Walang sinayang na panahon ang tatlo na naging mahalaga ang papel sa pagsabak ng Gilas sa 2014 Fiba World Cup sa Spain.
Sa 15-man pool, tanging si June Fajardo ang wala sa practice habang ang teammates nitong sina Christian Standhardinger at Marcio Lassiter ay present pero hindi sumama sa pagsasanay dahil sa injury.
Naghahanda na ang Gilas para sa nalalapit na SEA Games na gagawin dito sa Pilipinas sa Nobyembre.