Pinapaaresto ni Mayor Isko Moreno sa Interpol ang umanoy “drug queen” ng Maynila na si Guia Gomez Castro, dating chairwoman ng Barangay 484 sa Sampaloc.
Sa press conference sa Manila City Hall araw ng Lunes, hiniling ni Moreno sa Interpol at sa pamahaalan ng Thailand na arestuhin si Castro.
Sinabi ng alkalde na may obligasyon ang Thailand sa Pilipinas na arestuhin ang taong wanted sa bansa para harapin ang kanyang kaso.
“If there people are in your country, then you have an obligation to our country na arestuhin yang mga yan at iharap sa husgado sa aming pamahalaan,” ani Moreno.
Nanawagan din si Mayor Isko sa iba pang bansa sakaling sa kanila pumunta si Castro at pamilya nito.
Una nang kinumpirma ng Bureau of Immigration na si Castro at ang pamilya nito ay pumunta sa Bangkok, Thailand.
Bukod sa pagkasangkot sa mga “ninja cops” o mga pulis na nagre-recycle ng mnga droga na nakumpiska sa anti-drugs operationl, mayroong tatlong arrest warrant laban kay Castro na may kinalaman sa kasong droga at paggamit ng talbog na tseke.